SUBSCRIBE NOW
SUBSCRIBE NOW

DoH nagbabala sa epekto ng El Niño

DoH nagbabala sa epekto ng El Niño
Photo fom PNA
Published on

Naglabas ng babala ang Department of Health sa Bicol Region kaugnay sa mga posible umanong masamang epekto sa kalusugan ng nararanasang El Niño phenomenon sa bansa.

Ayon sa DoH-Bicol, inabisuhan na nito ang ang publiko na magdoble ingat laban sa mga sakit na posibleng umusbong nang dahil sa matinding init ng panahon tulad ng dengue, chikungunya, cholera, heat stroke, typhoid fever, paralytic shellfish poisoning, at leptospirosis.

Kaugnay nito ay pinayuhan din ng naturang ahensya ang taumbayan na agad na magpakonsulta sa pinakamalapit na healthcare providers sakaling nakakaranas ng mga health-related concerns nang dahil sa matinding init ng panahon.

Kung maaalala, una nang sinabi ng isang state weather bureau na magpapatuloy ang nararanasang El Niño sa bansa hanggang sa buwan ng mayo 2024.

Samantala, tiniyak ng National Irrigation Administration na nananatiling sapat ang suplay ng tubig sa mga iriagasyon at sakahan sa buong Pilipinas.

Ito nga sa kabila ng epekto ng nararanasang El Niño phenomenon sa ating bansa.

Ayon kay NIA Acting Administration Eduardo Guillen, sa ngayon ay nakapaghanda na sila kasama ang kanilang mga parther agencies ang mga measures ukol dito alinsunod na rin sa naging direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Kasabay nito ay nagpahayag din ng kumpiyansa ang naturang opisyal na tataas ang anihan sa mga sakahan sa bansa sa kabila ng matinding init ng panahon.

Kaugnay nito, iniulat din ng opisyal na sa ngayon ay nagsasagawa na rin umano sila ng mga pagsasanay para sa Alternate Wetting and Drying technique para sa layuning madagdagan pa ang mga lugar na kanilang mapapatubigan.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph