SUBSCRIBE NOW

Jane de Leon, na-dengue

Jane de Leon, na-dengue
Published on

Tinamaan ng dengue at urinary tract infection (UTI) ang aktres na si Jane de Leon kaya naman humingi ito ng paumanhin sa kanyang mga fans lalo na sa sumusubaybay sa kanyang hit TV series na Mars Ravelo's Darna.

Si Jane ang nag-announce sa pamamagitan ng social media na nagkasakit siya kaya hindi siya nakakapagbigay ng update sa mga kaganapan sa kanyang personal life at career kaya humihingi siya ng dispensa.

"Hi everyone! Sorry if I'm not active lately. I'm still sick. I was tested positive with dengue and UTI. I won't be able to reply but I promise to see you guys soon. Thank you for all the prayers," ang pahayag ni Jane sa kanyang Instagram page.

Nito lang nakaraang linggo ay nag-celebrate si Jane ng kanyang 24th birthday sa Okada, Manila na dinaluhan ng kanyang pamilya at malalapit na kaibigan.

Nag-post siya ng ilang litrato sa Instagram suot ang mga gown na gawa ng mga kilalang fashion designers. Aniya sa caption, "Cheers for the best birthday gift ever – another year of life story to tell!"

Patuloy na napapanood si Jane sa hit fantasy-action series na "Mars Ravelo's Darna" na umeere sa iba't ibang platforms ng ABS-CBN.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph