SUBSCRIBE NOW
SUBSCRIBE NOW

Health caravan isinagawa sa Navotas

Health caravan isinagawa sa Navotas
Published on: 

Kasalukuyang nagsasagawa ng health caravan ang lokal na pamahalaan ng Navotas para sa mga pamilyang nabiktima ng sunog sa iba't-ibang barangay sa lungsod, simula nitong Martes.

Naging posible ang programa sa pakikipagtulungan ng Department of Healthn Philippine Red Cross at City Health Department.

Kasama sa mga serbisyong inaalok nila ang Covid-19 vax, pagbabakuna sa trangkaso, BP test, risk assessment at deworming.

May mga lecture din tungkol sa family planning, first 1000 days, HIV/STI, TB, dengue, at iba pa.

Samantala, nakatanggap naman din ang pamahalaang lungsod ng Gawad Kalasag Seal of Excellence para sa Local Disaster Risk Reduction and Management and Humanitarian Assistance.

Ang parangal ay ibinibigay ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, na nagsasaad na ang lungsod ay sumusunod sa mga pamantayan disaster-risk reduction.

Tumanggap din ng pagkilala ang lungsod bilang awardee sa Manila BAYani Awards and Incentives 2020.

Nakakuha ang lungsod ng 3rd place sa City Category para sa kontribusyon sa cleanup at rehab ng kapaligiran ng Manila Bay kahit pa nasa gitna ng pandemya.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph