Timbog sa panghahalay ng anak

Kalaboso sa operasyon ng pulisya ang isang ama, na nasa listahan ng mga most wanted sa kasong paulit-ulit na panggagahasa sa sariling anak na noo'y dalagita pa lamang, sa Liloan, Cebu, nitong Linggo.

Naaresto ang suspek na si Christopher Danggoy (40) sa bisa ng warrant of arrest sa 25 counts ng incestuous rape.

Ayon sa pulisya, nagsimula ang panghahalay ng suspek sa anak na dalagita noong 2018 kung saan 13 anyos pa ang biktima.

Hindi na nakayanan ng biktima ang ginagawa sa kanya ng ama kaya naglakas-loob na siyang magsumbong sa kanyang tiyahin, dahilan upang isuplong na ito sa pulisya.

Related Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph