Pacquiao-Hussein exhibition match, posible?

Pacquiao-Hussein exhibition  match, posible?

Lumulutang umano ang posibilidad na magkaroon ng exhibition match si Pambansang Kamao Manny Pacquiao laban sa Australian na si Nedal Hussein mataptos umano ang kontrobersiyal na pahayag ni retired boxing referee Carlos Padilla Jr., na "tinulungan" niya umano si Pacquiao na manalo sa laban nito.

Sa isang panayam, sinabi ng dalawa na mukhang si Padilla ang may kasalanan ng lahat.

"It's Carlos Padilla's fault. He is the one that's to blame and his big mouth," ayon kay Hussein, na aminadong dismayado siya sa resulta ng naturang laban nila ni Pacquiao.

Suportado naman ni Pacquiao ang sinabi ni Hussein, at sinabing dapat na nanahimik na lang si Padilla kung gumawa man ito ng pagkakamali sa naturang laban.

Nilinaw naman ni Hussein na wala siyang sama ng loob kay Pacquiao.

"I'm a big fan of Manny. All boxers have respect for the other boxer," saad ni Hussein. "Maybe we'll do an exhibition one day."

Taong 2007 pa huling lumaban si Hussein pero nagkaroon umano siya ng idea nang madinig ang tungkol sa exhibition match.

"If there's a challenge, I'd love to do it against Manny," saad ni Hussien.

Sinabi naman ni Pacquiao, na handa siyang gawin ang laban kahit sa Sydney, Australia, na balwarte ni Hussein.

Related Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph