Yassi Pressman, lilipat na ba?

Yassi Pressman, lilipat na ba?

May mga kumakalat ngayong balita at mga usap-usapan na may balak na umanong lumipat ng network ang aktres na si Yassi Pressman.

Hindi naman naglabas ng diretsong sagot ang dalaga nang tanungin ito.

Si Yassi ngayon ang 2023 calendar girl ng Ginebra San Miguel at sa launching nito, binanggit ng aktres at TV host ang mga naging pagbabago sa kanyang personal na buhay pati na ang mga natutunan niya noong kasagsagan ng pandemya.

"I think the pandemic really changed everybody. Especially myself as well. I know you all went through a lot of challenges pero I think it was important that we came out of those challenges with a lot of lessons," sabi ng dalaga.

Dagdag niya, kung hindi raw dahil sa guidance at suporta ng kanyang mga kapamilya at malalapit at totoong mga kaibigan ay baka hindi siya naka-survive sa COVID-19 pandemic.

"I hope that guys also found your family that can guide you through those tough times. I wouldn't have survived the pandemic without them. So many things happened. Family and friends, we've lost them but we've also gained a lot so it's always good to know that you're never alone. And when I knew that and when I found health and I was more open, it was just easier for everybody kasi alam mong meron kang masasandalan," saad ni Yassi.

Kasunod nga nito, natanong si Yassi kung may bahid ba ng katotohanan ang lumabas na chika na siya na raw ang susunod na Kapamilya star na lilipat sa GMA 7.

Huling napanood si Yassi sa ABS-CBN action-drama series na "FPJ's Ang Probinsyano" bilang asawa ni Coco Martin.

May lumabas ding artcard sa social media tungkol sa isang female star na magbabalik daw sa GMA 7 na may nakalagay na "Yas" kaya ang hula ng marami ay si Yassi nga ito.

"I haven't seen it. I don't know what you're talking about. Ha-hahaha!" sagot ng dalaga.

Related Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph