Engkwentro sa Cotabato: 6 patay, 4 sugatan

Anim na katao, kabilang ang isang pulis at sibilyan, ang patay habang sugatan ang apat pa sa naganap na shootout sa M’Lang, North Cotabato, Miyerkules ng hapon.

Sa ulat ni police chief Lt. Col. Realan Mamon, 3:00 ng hapon nang maganap ang insidente sa Barangay Bagontapay ng nasabing lugar.

Kinilala ang mga nasawing sina Staff Sgt. Rudy Amihan Jr., miyembro ng local police force; civilian Jack Gumilao at apat pang unidentified robbers.

Sugatan din sina Corporal Noli Labesores ng M’Lang Police, Patrolman Hezron Neyra ng Provincial Police Mobile Force, at mga sibilyan na sina Tweeny Daza ng Barangay Bialong at Jose Patubay ng Barangay Bagumbayan, Tulunan, North Cotabato.

Nag-umpisa ang engkwentro nang pasukin ng mga armadong magnanakaw ang Regz and Kirks Bakeshop sa Barangay Bagontapay.

Bagama’t walang mga empleyado ng bakeshop ang nasaktan, dalawang customers ang pinaputukan ng mga magnanakaw, saka sapilitang kinuha ang motorsiklo ng mga ito na naka-park sa labas ng bakeshop.

Nakuha ng mga kawatan ang halos P17,000.00 at ilang mga kagamitan mula sa establisimiyento.

Nasa apat na .45-caliber pistols mula sa mga nasawing kawatan at apat na motorsiklong hinihinalang ginamit ng mga ito sa pagtakas ang nasamsam ng operatiba.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial