Nadine Lustre, walang hard feelings

Aminado ang aktres na si Nadine Lustre na walang isyu o problemang nakikita ang dalaga kung sakaling magtambal uli sila sa isang proyekto ni James Reid at kahit matagal nang hiwalay sina James at Nadine napakarami pa ring JaDine fans ang umaasa na muli nilang mapapanood ang ex-couple sa teleserye at pelikula.

Nang matanong si Nadine sa presscon ng kanyang Metro Manila Film Festival 2022 entry na “Deleter” na idinirek ng premyadong filmmaker na si Mikhail Red, sinabi ng dalaga na okay lang sa kanya ang idea.

“We will see. We don’t know what to expect. That’s what I’ve been telling everyone. If it’s a good project, why not? I’m a very collaborative person. Hindi naman kami magkaaway,” sabi ni Nadine.

Natanong din siya kung ano ang reaksyon niya sa mga JaDine fans na patuloy na umaasa na sila pa rin daw ni James ang magkakatuluyan sa ending.

Maikling sagot ni Nadine, “2023 na po. It’s time for us to start a new chapter.”

In fairness, mukhang maligayang-maligaya naman ang dalaga sa piling ng kanyang French businessman boyfriend na si Christophe Bariou na nakabase sa isla ng Siargao.

Si James naman ay nasa Amerika pa rin para sa kanyang mga commitments doon. Siya rin ang tumatayong manager ng Kapamilya star na si Liza Soberano na nangangarap namang maging Hollywood star.

Samantala, super excited na si Nadine sa kauna-unahan niyang horror movie under Viva Films na isa sa walong official entry sa 2022 MMFF na magsisimula na sa December 25.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial