Angeli Khang, game na game

Talagang palaban ay hindi umaatras ang Vivamax bombshell na si Angeli Khang ngayong kasama na niya sa isang pelikula ang isa pang palaban rin na si AJ Raval.

Magkasama na ang dalawa sa sa psychological drama na “US X HER” kasama ang magaling na aktor na si Kiko Estrada. Mapapanood na ito sa Vivamax.

Ayon sa mga nakapanood na, talagang nabigyan naman ng justice nina Angeli at AJ ang kanilang mga role sa movie as Lila and Mari respectively at hindi sila naglamunan sa kanilang mga eksena sa halip mararamdaman mong nagtulungan at nagsuportahan talaga sila para mas mapaganda pa ang kanilang pelikula.

Siguradong masa-satisfy din ang kanilang mga fans and supporters dahil bukod sa mga love scenes nila kay Kiko ay may pasabog din silang churvahan at kangkangan sa “US X HER”.

Ito nga ang unang pagkakataon na mapapanood ang Vivamax Queens na pinapaligaya ang isa’t isa, lalo na si Angeli na ilang beses nagsarili sa pelikula at parehong nagkagusto sa karakter nina AJ at Kiko.

Unpredictable rin umano ang naging takbo ng istorya ng “US X HER” dahil kakaiba nga at medyo mapapaisip ka sa naging ending nito.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial