Paslit deds sa nililinis na baril

Patay ang isang batang tinamaan ng ligaw na bala ng nililinis na baril ng kanyang ama sa Calanasan, Apayao nitong Lunes.

Sa ulat ni PCol. Jefferson Cariaga, Provincial Director ng Apayao Police Provincial Office, kinilala ang suspek na si Samboy Lee Dangan na residente rin ng lugar.

Napag-alamang aksidenteng pumutok ang baril at tumagos ang bala sa kahoy na dingding ng silid kung saan naroroon ang kanyang anak na lalaki (4) na masaya pa sana noong naglalaro.

Mabilis namang sinaklolohan ng suspek ang anak ngunit hindi na rin ito naisalba pa dahil sa alanganing tama sa kanyang katawan.

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong homicide at paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, lalo na at napagalamang hindi pala rehistrado nag baril nito.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial