Mga estudyante sa Bulacan sapul ng HFMD

Labing-isang bata ang tinamaan ng Hand, Foot and Mouth Disease (o HFMD) sa isang paaralan sa Obando, Bulacan.

Ang mga tinamaan ay mula lamang sa iisang silid-aralan, edad lima pababa, mula nitong nakaraang Huwebes, November 17.

Nakumpirma na HFMD ang tumama sa mga bata matapos tumugma ang findings ng mga pediatricians ng mga paslit na tinamaan ng sakit.

Nagkaroon umano ang mga bata ng mga butlig-butlig sa ibat-ibang parte ng kanilang katawan, kasabay ang malalang singaw sa dila at bibig kaya’t hirap din silang kumain.

Pinayuhan naman ang mga batang tinamaan ng HFMD na huwag na munang pumasok hanggang sampung araw para hindi na makahawa ng kamag-aral.

Agad din namang nagsagawa ng disinfection sa naturang classroom.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial