Donnalyn Bartolome, thankful

Trending na naman ang actress at content creator na si Donnalyn Bartolome matapos niyang ilabas ang kanyang vlog na may kaugnayan sa gift unboxing nang natanggap niyang regalo mula sa kanyang kaarawan.

Ayon kay Donnalyn, hindi na sana niya ito ipapakita sa YouTube dahil pakiramdam niya raw ay hindi niya deserve ang mga nakuhang regalo, pero talagang nagpapasalamat umano siya sa mga taong patuloy na nagmamahal at sumusuporta sa kanya.

“Last picture shows my *kilig* I didn’t reveal my gifts back in July because dumating ako sa point na naisip kong ‘di ko deserve yung ganitong pagmamahal. Pero kahit ganu’n, I realized I should still thank the people who shows me so much love by revealing them to you.. I have to let you know the ones who remembered my birthday and even went out of their way to give me something special. Nakakaiyak yung mga regalo,” saad ni Donnalyn sa kanyang IG.

Talaga namang napakaraming regalo ang natanggap ng content creator at bukod sa mga alak, chocolates at flowers ay mayroon ding mga mamahalin at luxury items gaya ng mga earrings at bracelet na ibinigay sa kanya ng YouTuber na si Jelai, at ang bonggang cake mula sa TV host-actor na si Ryan Bang.

Nakatanggap din siya ng regalo mula sa Facebook na pinadalhan siya ng tatlong tropeyo para sa “Best Family Video,” “Best Music Video” para sa kantang O.M.O (On My Own), at “Best Beauty Video.”
“‘Yung mga paghihirap ko rin pala sa content creation ‘no nare-recognize din naman pala. So one of the best gift na to be recognized this way,” sabi ni Donnalyn.

At ang talagang iniyakan ni Donnalyn ay ‘yung naging regalo ng kanyang ina na isang Chanel watch at nakuwento ng content creator na dream watch niya ito, pero talagang may kamahalan.

“Ito ‘yung pinapahanap ko sa kanya ‘to, pero nu’ng nalaman ko na medyo mahal, sabi ko ‘hindi okay lang ‘yan mommy, bibili pa kasi tayo ng bahay ulit,’ ‘yun ang sabi ko sa kanya,” sabi ng dalaga.

Sa huli, sinabi ni Donnalyn na hindi niya matatanggap ang bigay ng kanyang ina bilang regalo at babayaran niya raw ito.

“Hindi pwedeng gift mo ito sa akin mommy, babayaran kita… That is too much for a watch. I will not accept this as a gift, may utang ako sayo,” saad ni Donnalyn.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial