Lolo kinulata ng itak dahil sa utang

Isang matandang lalaki ang tinadtad ng itak ng kanyang kapitbahay dahil lamang sa hindi nito nababayarang utang sa Cagayan de Oro nitong Sabado.

Sa ulat ni Major Allan Cairel, Nazareth Police commander, kinilala ang biktimang si Galenciano Geron Jr., 62, habang ang suspek naman ay si Dannyboy Daing, pawang residente sa Tomasaco, Brgy Nazareth.

Nangyari ang insidente sa lugar din ng dalawa, kung saan ay matagal na umanong hindi nababayaran ng biktima ang P30,000 utang nito sa suspek.

At nang muli nitong singilin ang matanda at hindi na naman makapagbayad ay doon na nagpuyos sa galit ang suspek, saka agad na kumuha ng 23-pulgadang itak at walang habas na pinagtataga ang matanda sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan.

Tinangka  pang tumakas ng suspek na mabuti na lamang at agad nang napalibutan ng mga rumespondeng police.

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong murder.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial