KC Concepcion, NAPAGKAMALAN

Maraming mga netizens ang nakapansin na halos may kamukha nang artista ang aktres na si KC Concepcion dahil sa isang video na uploaded ng dalaga sa kanyang IG.

“A day in Dubai. Lunch at @zumadubai + shopping at @thedubaimall – the second largest mall in the world!!!” saad ni KC. “Ang sakit ng paa ko kakalakad omgggg. But, naka more than 10,000 steps ako today, in fair.”

Umani naman ng samu’t saring komento ang naturang post ni KC habang nag-iikot sa Dubai.

May mga netizens ang super happy na finally nakapunta na sa Dubai ang anak nina Megastar Sharon Cuneta at aktor na si Gabby Concepcion.

Samantala, marami naman sa mga netizens ang napagkamalan si KC bilang ang ina ni Daniel Padilla na si Karla Estrada sa unang tingin o sa unang panood nila ng video.

“I thought it was Karla Estrada at first! Beautiful!” saad ng isang netizen.

Segunda naman ng isa, “Same. At first glance I thought it was Karla E too.”

Napag-usapan nga rin nina Cristy Fermin kasama si Romel Chika si KC sa kanilang showbiz program na “Cristy Ferminute”.

Marahil daw ay kaya marami sa mga netizens ang napagkamalan ang dalaga bilang si Karla ay dahil na rin siguro sa timbang nito.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial