SUBSCRIBE NOW
SUBSCRIBE NOW

Azi Acosta, napuri

Azi Acosta, napuri
Published on

Pinuri ng writer-director na si Roman Perez, Jr. ang showbiz newbie na si Azi Acosta na bibida sa pelikula niyang Pamasahe at inihalintulad niya ang dalaga sa mga goddesses of the 90s na sina Joyce Jimenez at Alice Dixson.

Natanong kasi siya ng entertainment press kung bakit si Azi ang kinuha nilang lead star ng pelikula.

"Nakatrabaho ko s'ya before sa Sitio Diablo. She's so intelligent. Una sa lahat, young, fresh, bago sa ating lahat," sabi ni Direk Roman. "At saka lagi nilang sinasabi sa akin, ka-hilatsa s'ya, kahawig ni Joyce Jimenez. May ganu'n s'yang resemblance."

"Tapos meron s'yang anggulo na parang Alice Dixson…na nakita ko 'yon dati nu'ng nagsu-shoot ako ng Ang Babaeng Nawawala Sa Sarili."

Noon pa man ay nakitaan na daw niya ng husay ang model-turned-actress na si Azi.

"Kasi si Azi Acosta magaling rumampa. Model s'ya dati. So, nakita ko, rumampa s'ya, sabi ko, 'Kamukha ito ni Dikya (bansag kay Alice Dixson noon). Kamukha ito ni Dikya, o,'" pagre-recall ng Vivamax director.

"Tapos hindi ko pinapansin kasi during that time hindi pa naman s'ya nilo-launch as Azi Acosta. Nag-talent lang s'ya nu'n pero nasa Viva roster na s'ya."

Kaya naman nang i-suggest daw sa kanya ni Boss Vic del Rosario na kunin ito for his next film ay hindi na siya nagdalawang-isip pa.

"Nagkasundo kami ni Boss sa pagpili sa kanya. Sabi ni Boss, 'Iba 'yong Azi Acosta, Direk.' Sabi ko, 'Subukan po natin, Boss. Baka p'wede s'ya sa drama,'" pagbabalik-tanaw niya.

"Kasi 'yong Sitio Diablo nahirapan s'yang itimpla, e. Apparently, nu'ng nakita ko s'ya dito sa Pamasahe, sa mga unang eksena n'ya, even sa workshop pa lang, iba 'yong magic nu'ng bata. Iba, iba s'ya. Sabi ko parang future s'ya. Future s'ya ng Vivamax," lahad pa ni Direk Roman.

"Maraming pasabog ang pelikula. Mas drama s'ya ngayon. Erotic-drama s'ya ngayon kasi first title role ni Azi Acosta bilang isang dramatic Vivamax star. Prinepara natin s'ya doon. Pinaghandaan natin ito para sa kanyang launch," pagbibida pa ni Direk Roman.

Sa puntong ito na rin niya naihalintulad ang acting skills ni Azi sa premyadong aktres na si Judy Ann Santos noong nagsisimula pa lang ito sa pag-aartista.

"Ang nakikita ko nga sa kanya, parang s'yang si… Lagi ko 'tong sinasabi sa mga interviews, para s'yang si Judy Ann nu'ng bata. Judy Ann Santos na nagse-sexy," aniya.

"'Yon 'yong merong X-factor sa kanya. Medyo matapang s'ya. Medyo matapang 'yong bata. Ready sa mga erotic scenes. Pero kapag drama, para s'yang Judy Ann. Kaliwa't kanan 'yong mata. Tapos ang tapang nu'ng mata n'ya," pagpapatuloy niya.
Disiplinado rin daw ito sa set kaya nakikinita niyang malayo ang mararating nito sa showbiz.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph