Lovi Poe, gustong sumabak sa action

Pangarap pala ng aktres na si Lovi Poe na makasama sa isang action TV series o kahit sa pelikula.

Ayon sa dalaga, gusto niyang gawin ang pelikula “Ang Panday”, ang 1980 film ng papa niyang si Fernando Poe, Jr.

Hari ng Aksyon ang tawag kay FPJ bagay na gustong subukan ni Lovi.

“Siguro nasa dugo talaga kasi nga matagal ko ng gustong gumawa ng mga ganitong klaseng eksena and a part of me that I feel it has something to do with him,” saad ng dalaga.

Inamin rin ng dalaga na nais niya ring makatrabaho si Coco Martin, JM De Guzman, Jericho Rosales, Daniel Padilla at si Zanjoe Marudo.

Samantala, unang project pala ni Lovi ang “Flower of Evil” sa ABS-CBN simula nang lumipat siya at nasundan ng iWantTFC originals, “Sleep with Me” kasama si Janine Gutierrez.

Natanong namin kung ano ang mga eksenang hindi niya makakalimutan sa series nila ni Piolo Pascual at bakit.

“Ang dami, but my most favorite scene, siguro I would have to say was ‘yung pool scene. ‘Yung nag-dive si Iris (karakter niya) para i-save si Jacob (Piolo) sa underwater. Siguro kasi we shot it like three days, madugong-madugo ‘yung pag film namin doon because there was one time na we had to do it nan aka-harness ako without the water tapos there was a another day na underwater talaga and talagang nakaka-stress kasi si Papa P nasa ilalim siya ng tubig at binibigyan na lang siya ng oxygen sa ilalim ng nakatali talaga siya ro’n,” sabi ni Lovi.

Hindi raw inasahan ni Lovi na may mga ganitong eksena siyang gagawin pero natandaan niya ang sinabi sa kanya ng direktor na maghanda siya.

“Maghanda ako because ‘yun nga marami akong gagawin na iba-ibang shots. Iyon din kasi ang ikinaganda ng Flower of Evil nakita ko kung paano in-elevate ang style of filming the series kasi bawa’t detalye talaga they made sure that they covered everything,”paliwanag ni Lovi.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial