Loisa Andalio, may nilinaw

Binasag na ng aktres na si Loisa Andalio ang kanyang katahimikan kaugnay sa kumakalat na balitang hiwalay na umano sila ng longtime boyfriend at aktor na si Ronnie Alonte na naging usap-usapan sa social media ang recent Facebook post ng aktres na may patama sa isang taong nangako na hindi tumupad.

“Promises are worse than lies, you don’t just make them believe, you also make them hope…(broken heart emoji),” sabi ng dalaga.

Dahil diyan sa post, mabilis na kumalat ang “breakup rumors” ng dalawa, pero nilinaw ni Loisa na hindi tungkol sa kanyang lovelife ang kanyang FB post.

“hahahaha hoy! hindi ito about sa lovelife.. kayo talaga (face with tears of joy emoji) (pleading face emoji) walang maghihiwalay…” sabi pa ng dalaga.

Bukod sa LizQuen at KathNiel, isa sa pinakamatagal na love team at real life couple sa showbiz industry ay sina Loisa at Ronnie.

Limang taon na nga sila together eh at going six years na ngayong November 26.

Matatandaang taong 2017 nang kinumpirma ng dalawa sa publiko na sila ay magkarelasyon na.

Nitong Mayo lang nang huli silang nagtambal sa Television series na “Love in 40 Days.”

Ang una nilang teleserye na pinagtambalan ay ang “The General’s Daughter” noong 2019, at sumunod naman diyan ang “Unloving U” noong nakaraang taon.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial