Ingat sa peke

Nagbabala na ang Food and Drug Administration (FDA) ng bansa sa mga naglilipana ngayon na mga umano’y pekeng gamot sa ilang mga online shopping platform at pinag-iingat nito ang publiko dahil kahit may ilang mga botika at manufacturer na ang mga opisyal na account sa online shopping app, may mga account pa ring hirap tukuyin kung lisensiyado silang magbenta ng gamot.

Mula kasi nang pumasok ang COVID-19 pandemic, dumami ang counterfeit o pekeng mga gamot sa merkado.

“Maraming gamot ang kinailangan natin, ascorbic acid, gamot sa ating lagnat, sipon, ubo, tendency niyan mas marmaing guamgawa ng counterfeit,” saad ni FDA Common Services Laboratory director II Jocelyn Balderrama.

Ayon sa Department of Health, global public threat ang paglipana ng pekeng gamot dahil maaaring magkaroon ito ng masamang epekto sa kalusugan.

“Counterfeiting of medicines is illegal and considered a serious threat to our individual health and welfare and may result in hospitalization, permanent disability, or worse, even death. It may also worsen existing illnesses and even cause adverse reactions if administered in complication with other medications,” sabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire.

Hamon ngayon para sa mga awtoridad para mahabol ang pekeng gamot ay ang paggamit ng social media at mga app sa pagbebenta dahil ayon sa huling tala, nasa P53 milyon na ang halaga ng nakumpiska ng Criminal Investigation and Detection Group at COVID-19 test kits mula 2020.

Pero sa mga kasong nasampa, nasa 24 porsiyento ang na-dismiss dahil sa kakulangan sa sertipikasyon ng mga manufacturer na peke nga ang kumpiskadong ebidensiya.

“Kung wala ang certification form competent bodies, hindi magpo-prosper ang kaso or yung mga naaresto na nagbebenta ng counterfeit medicine ay irerelease agad ng prosecutor o korte. Very crucial ang certification an ibibgay,” sabi naman ni CIDG acting director Ronald Lee.

Ayon pa sa FDA, maparaan na ang panggaya ng mga gamot ngayon at hidni na sapat ang pagsuri lang sa kulay.

Maaaring gamitin ang verification portal sa website ng FDA para malaman kung may certificate of product registration ba ang nabibiling gamot.

Ayon naman sa World Health Organization, isa sa mga dahilan kung bakit may mga nabibiktima ng pekeng gamot ay dahil mas mura ito kumpara sa lehitimong mga produkto.

Dahil dito, mahalaga na magkaroon ang publiko ng access sa mura, ligtas, at dekalidad na gamot.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial