Kim Chiu, pressured

Ramdam na ramdam ng aktres at TV host na si Kim Chiu ang pressure ngayong solo host na siya sa reality-based TV show na “Dream Maker”.

Aminado si Kim na dream come true para sa kanya ang nakuhang oportunidad pero nakakaramdam pa rin umano ang dalaga ng pressure.

“Siyempre po ang pressure nandoon. Nandoon ang kaba. Hindi naman puwedeng mawala iyon,” sabi ni Kim.

Aware ang dalaga na marami pa rin siyang bashers, more so now na solo niya ang pagho-host ng “Dream Maker” kahit pa kasama niya sa show si Ryan Bang.

“Iniisip ko, ano kaya ang sasabihin ng ibang tao. Magho-host ako ng isang show. Alam mo naman, ‘yung ibang tao diyan, parang nagdududa sila. Pero hindi naman nila mapapatunayan kung hindi naman nila napapanood. Kung hindi pa po ako nabigyan ng ganitong chance, hindi ko rin malalaman kung saan ako aabot or kaya ko ba talaga,” sabi ni Kim.

“Sobrang iba po. Aside from ako lang ang mag-isang nakatayo sa gitna, si Ryan Bang kasi kasama niya ‘yung mga mentors. First time ko na mabigyan ng opportunity for the longest time na akong mag-isa ang magho-host para sa ‘Dream Maker’ and I’m very grateful and I’m honored to be part of the show. Sobrang malaking bagay ito para sa akin, para sa career ko kaya I’m so happy and thankful,” dagdag pa niya.

“Dream Maker” will have 62 young male aspirants who will go through rigid training and the top 7 contestants will further be trained in South Korea, where they will be officially launched as a group.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial