Alagang Kuya Bong dama sa Navotas

Bumisita at nagpaabot ng kanyang pakikiramay at tulong si Sen. Bong Go sa mga pamilyang nawalan ng kani-kanilang mga tahanan sa sunog na naganap kamakailan sa Navotas City.

Namahagi ang senador ng tulong pinansyal, mga bisikleta, basketball, mga sapatos, at iba pang mga pangangailangan ng mga nabiktima nitong Huwebes.

“Taos-puso po tayong nagpapasalamat kay Sen. Bong Go sa kanyang personal na pagbisita at pagbigay-ayuda sa mga kababayan nating nasunugan. Malaking bagay po ang tulong na inyong inihandog para maibsan ang hirap na nararamdaman ng mga apektadong pamilya at para makapagsimula silang muli. Salamat po sa inyong pagmamahal at pagmamalasakit sa mga Navoteño,” ayon kay Mayor John Rey Tiangco.

Patuloy din ang pamamahagi ng tulong ni Cong. Toby Tiangco na lubos ding nagpapasalamat kay President Bongbong Marcos dahil inatasan nya si DSWD Sec. Erwin Tulfo na bisitahin ang mga kababayan nating nasalanta ng sunog sa Brgy. Bagumbayan North at Navotas West.

Dala nina Sec. Tulfo at DSWD NCR Regional Director Pinky Romualdez Montenegro ang mga ayuda kasama ng relief goods pati na ang P5,000 na AICS para sa bawat pamilya.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial