Catriona Gray, viral na naman

Trending na naman ang si 2018 Miss Universe Catriona Gray sa social media nang kumalat ang mga larawan ng beauty queen na kumakait ng empanada na isa sa mga sikat na delicacy ng Ilocos Norte.

Napagkatuwaan ang dalaga dahil imbis na suka — na karaniwang sawsawan ng naturang Ilocos delicacy — ketchup ang inilagay ni Catriona sa kinakaing empanada.

Naka-post ang mga litrato ng girlfriend ni Sam Milby sa VPI Travel Ilocos Facebook page kung saan makikita rin ang iba pang kaganapan sa dinaluhan niyang event sa Ilocos Norte.

Ang nakalagay sa caption ng nasabing FB post, “Welcome to City of Batac Miss Universe 2018 Catriona Elisa Magnayon Gray. She visited Batac City and tried the famous Ilocos empanada.”

Mabilis namang kumalat ang “ketchup empanada” photo ni Catriona kaya naman kung anu-anong memes na ang naglabasan sa social media.

May nagsabing ita-try din daw nila ang ketchup sa bibilhin nilang empanada para malaman kung bakit sarap na sarap dito ang beauty queen. Baka raw mas masarap nga ang ketchup kesa sa suka.

Nang malaman ni Catriona na viral na ang paglafang niya ng ketchup empanada ay nagkomento agad siya rito, “This comment section has me (skull, laughing in tears emojis).”


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial