PAGTAAS NG PASAHE SA LRT1, NAGBABADYA

Photograph by Rio deluvio for the daily tribune @tribunephl_rio

Inihayag ng Department of Transportation (DoTR) na posible nitong ilabas ang desisyon kaugnay sa petition ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) na magtaas ng singil sa pasahe sa unang quarter ng 2023.

Nakasaad kasi sa kontrata ng LRMC at gobyerno na kada dalawang taon ay magtataas ng singil sa pasahe ang LRT-1.

“I think the private sector deserves to recover their investment. They will provide a very good experience to the passengers. And with that, I think they should be able to recover their investments and make a reasonable rate of return on these investments,” saad ni Transportation Secretary Jaime Bautista.

Taong 2016 nang mag-take over ang LRMC sa operasyon at maintenance ng LRT-1. Kasama sa kontrata ang paggawa ng P64.9 bilyon na LRT-1 Cavite extension project.

Naghain ng petisyon ang LRMC ng taas-singil noong 2016, 2018, 2020 at ngayong Abril.

Nasa P5.46 ang increase sa minimum fare na hiling ng LRMC at kapag naaprubahan ito, magiging P16.46 ang ngayo’y 11 na base fare at may dagdag na P1.50 kada kilometro.

“Our agreements entail rehabilitating and building the system. So the fare adjustments are a part of that,” ani LRMC President Juan Alfonso.

Sa ngayon, nakabinbin pa ang hiling ng LRMC.

Samantala, isang grupo ng mga commuters ang umaalma sa nakaambang pagtaas ng pamasahe sa LRT1.

Ayon kay Elvira Medina ng National Center for Commuter Safety and Protection, ang pagtaas ng pasahe sa mga pampublikong saskyan ay dapat na may kaakibat na pagsasaayos ng mga serbisyo nito.

“Yun pong hinihingi nila na taas-pasahe, ang ginagamit po nilang dahilan ay yoong pagpapahaba ng kanilang linya, yung mga iba’t ibang sinasabi nilang pangaako na pagsasaayos. Ang kailangan po, sa kahit anong pagtaas ng presyo, ipakita mo muna na meron kang ginawang para higit na mapahusay ang serbisyo mo sa ating mga commuters,” saad ni Medina.

“Doon po makukumbinsi niyo talaga ang commuters, ah okay naman,” dagdag pa niya.

Ayon pa kay Medina, hindi pa rin maituturing na maganda ang mga tren sa Pilipinas kumpara sa mga railways ng ibang bansa sa Asya gaya ng Singapore.

Nanawagan rin si Medina sa LRT na ayusin muna ang kanilang serbisyong inaalok sa mamamayan.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial