Caloocan namahagi ng school supplies

Sa pagnanais mapagaan ang kanilang pag-aaral, namahagi ang pamahalaang lungsod ng Caloocan ng bags at iba’t-ibang school supplies para sa mga estudyante ng lungsod.

Sa ngayon ay napamahagian na ang mga eskuwelahan ng Bagong Silang Elementary School, Cayetano Elementary School, San Jose Elementary School, Tandang Sora Elementary School, Lerma Elementary School, Libis Talisay Elementary School at Sampalukan Elementary School.

Patuloy pa rin ang pagiikot at pamamahagi ng lokal na pamahalaan sa lahat ng paaralan sa lungsod.

“Ang paaralan ang nagsisilbing ikalawang tahanan ng ating mga mag-aaral. Paalala po natin sa ating mga guro: Gabayan at turuan po natin ng buong puso ang ating mga estudyante dahil ang mga aral sa buhay na inyong maibabahagi ay bitbit nila hanggang sa kanilang paglaki,” ayon kay Mayor Along Malapitan.

“Prayoridad po natin ang edukasyon at kinabukasan ng ating mamamayan pati na rin ng ating mga mag-aaral kaya naman sinisigurado natin na mapunan ang kanilang mga pangangailangan,” dagdag pa nito.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial