Dalaginding ang binatingting

Kalaboso ang isang dating sundalo matapos na mahuli sa akto na kinakalikot ang isang dalagita sa Brgy. Gucab, Echague, Isabela, noong Sabado.

Sa ulat ni PCol. Julio Go, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office, kinilala ang suspek na si Delfin Pascua (76). Hindi na naman pinangalanan ang biktimang 14 anyos.

Nakatanggap umano ng tawag ang IPPO mula sa kapitan ng Brgy. Gucab na naaktuhan umano ng kanyang mga tanod ang suspek na pinagsasamantalahan nito ang biktima.

Iyak umano nang iyak ang biktima habang ginagawan ng malaswa ng matanda sa ilalim ng puno ng mangga na nasa kalagitnaan ng isang maisan sa lugar.

Mabilis na dinakip ang suspek na ngayon ay nasa kustodiya ng nasabing istayon at nahaharap sa kasong Alleged Rape by Sexual Assault in Relation to RA 11648.

Nasa pangangalaga naman ng Municipal Social Welfare Development ang biktima upang sumailalim sa medico legal examination sa Municipal Health Office.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial