Zeinab Harake, napatawad na ni Robi Domingo

Water under the bridge na pala ang nangyaring pang-ookray ng social media influencer na si Zeinab Harake sa TV host na si Robi Domingo at aminado naman ang aktor na mas mahalaga pa rin ang relasyon niya bilang TV personality sa kanyang “audience” kesa sa tinatawag na “market.”

Kung matatandaan kasi nadamay si Robi kamakailan sa issue ni Zeinab at ng ilan pang sikat na celebrity vloggers na nag-ugat sa pasabog ng talent manager at YouTuber na si Wilbert Tolentino.

Sinabihan kasi siya ni Zeinab na “walang market” base sa inilabas na screenshot ni Wilbert mula sa kanilang group chat.

“I would be lying if I say I don’t care about that. I had my frustrations. Lalung-lalo na, ‘Asan na ba talaga ako? Kailan ba ako magkakaroon ng break? Bakit ba palagi akong sidekick. Bakit ba palagi akong pinapadala sa malalayong lugar?’ And then I realized, I needed to go to those places para mas mapagtibay ko yung credibility at mas malaman ko yung istorya. And kapag magawa mo yun and when you’re inside the studio, mas may sense ka. At mas may bigat yung relationship mo with the contestants, with the staff, at mas nagta-translate yun sa manonood,” pahayag ni Robin.

Nagbigay din ng kanyang saloobin ang TV host sa pagiging toxic ng social media ngayon na ikinaka-stress ng karamihan sa mga gumagamit nito.

“Over the years, nalaman ko rin, lalung-lalo na this social media game, ‘no, it’s stressful especially when you think about the numbers, the analytics, the number of subscribers. Minsan, it doesn’t make sense, gagawa ka ng isang content tapos, ‘Kala ko ito yung patok, hindi pala.’ But you will come to a realization na minsan sa buhay, hindi importante ang market. Dahil mas importante yung audience. And when you have that audience, who would react to you and know kung ano yung sinasabi mo, I think mas pang-long term yun. When you have a market, parang nagbebenta ka, di ba, you’re trying to… everything is a business. When you have an audience, you relate. And much more than the market, I would love to have that audience,” lahad ni Robi.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial