Alice Dixson, rumesbak

Pinalagan ng veteran actress na si Alice Dixson ang ilang mga bashers niya sa social media matapos niyang ipost ang kanyang mga larawan sa beach

Nitong nagdaang Martes, nag-post ang aktres sa Instagram ng mga litrato niya sa beach kung saan makikitang may hawak siyang starfish.

Sa inilagay na caption ni Alice pinaringgan nga niya ang mga taong wala nang ginawa sa buhay kundi ang mang-okray, mambastos at manglait ng kanilang kapwa.

“1st star I see tonight… Wish I may, wish I might, have the wish I wish tonight. My wish is mag meditate ang mga haters para mabawasan ang mega negativity sa www (globe, peace sign emojis),” ang buong caption ng aktres sa kanyang IG post.

Bago ito, may ipinost munang litrato si Alice sa IG na umani ng negatibong komento mula sa kanyang followers. Ito yung photo niya kasama ang non-showbiz boyfriend.

Pero tinakpan ni Alice ng malaking sombrero ang mga mukha nila ng guy. Aniya sa caption, “Aha! Gusto nyo ganito? I have one without the hat But no one wants to see that lol!”

Maraming nagkomento na masyado nang papampam at feeling teenager si Alice. Pagpuna ng isang IG user, “Bagay lng cguro sa teeners ang suspense, lapit na sa senior citizenship di n bagay.”

“Jusmeyo Marimar, feeling teenager lang!”

“Talaga ba Alice? Me ganern pa? Nagsu-sumixteen? Kung ayaw mong ipakita mukha ng dyowa mo, e di wag. Feeling!”

May mga nagtanggol din naman kay Alice tulad ng netizen na nagsabing, “It’s her choice to hide him ,and besides account nya to kya chillax mga maritess. she can post whatever she wants so wla na kyo dun kung sino gusto nya eh show up or eh hide.”

Last year, nag-post si Alice ng litrato ng lalaki na pinaniniwalaang asawa niya. Pero ang drama nga, nakatakip ang mukha nito.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial