Senglot ginilitan si darling

Patay ang isang ginang na walang kaabog-abog na ginilitan ng leeg ng lasing niyang kinakasama sa Lingayen, Dagupan City, nitong Martes.

Sa ulat ni PMaj. Ria Tacderan, tagapagsalita ng Pangasinan Police Provincial Office, kinilala ang biktimang si Jennifer Ingalla (45) habang ang suspek ay si Robert Rod Navarro (42) pawang residente sa Sitio Guesang, Brgy. Domalandan West, Lingayen, Pangasinan.

Napag-alamang umuwing lasing na lasing umano ang suspek gabi ng nasabing araw dahilan upang magkasagutan sila ng biktima.

Sa gitna ng mainit na pagtatalo ay bigla na lamang galit na galit na kumuha ng walong pulgadang kutsilyo si Navarro at walang ano-ano’y ginilitan sa leeg ang biktima.

Matapos gilitan ng leeg ay tila nakulangan pa ang suspek saka pinagsasaksak pa nito sa iba’t-ibang parte ng katawan ang live-in partner.

Mabilis namang humingi ng saklolo sa pulisya ang noon’y nakiki-usiyosong mga kapitbahay, na nauwi sa agarang pagkaka-aresto sa suspek na nahaharap ngayon sa kasong murder.

Sinubukan namang isinugod sa Lingayen District Hospital ang biktima ngunit nasawi rin kalaunan.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial