Iwa Moto, nagpakilig

Maraming mga netizens ang kinilig sa pa-special message ng aktres na si Iwa Moto para sa kanyang longtime partner na si Panfilo “Pampi” Lacson Jr. at sa unang pagkakataon ay nag-post ng mahabang appreciation post si Iwa para kay Pampi kung saan inilarawan pa niya itong “wonderful soul” kasabay ng pasasalamat sa kanyang “the one.”

“To the man I love. Mahal thank you. Because you have given me a family. You have been such a wonderful father to our children. We have been through a lot but we choose to hold each other’s hand and never let go. You have such a wonderful soul and I am proud that you are mine,” sabi ni Iwa sa caption.

“Always remember that I will always choose to stand by your side no matter what. You can close your eyes knowing that every time you wake up I’ll be there beside you. I will always choose to be your best friend, your enemy and your partner,” dagdag pa niya.

“I know we will face a lot more in the future but always remember I will always choose you. I will love you ALWAYS and FOREVER. Thank you again for being the ONE,” ang mensahe pa ng dating aktres kay Pampi.

Mas lalo pang kinilig ang mga netizens nang mag-reply si Pampi sa post ni Iwa. Biniro pa niya ito na parang may nararamdaman siyang “something” sa pa-tribute sa kanya ng dyowa.

“Kinakabahan ako mukhang may kasalanan ka na. Bukas ko palang malalaman mahal. hahaha! joke! I love you too mahal. Thank you for taking care of us,” hirit ni Pampi.

Bukod sa mga kinilig na netizens, pati ang dating asawa ni Pampi na si Jodi Sta. Maria na nag-iwan ng single heart emoji sa post ni Iwa.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial