SUBSCRIBE NOW
SUBSCRIBE NOW

Carla Abellana, naniniwala pa rin sa love

Carla Abellana, naniniwala pa rin sa love
Published on: 

Kahit hindi naging masaya ang kinahinatnan ng kanyang pag-aasawa, aminado ang aktres na si Carla Abellana na naniniwala pa rin siya sa "love sa kabila nang mga matitinding pagsubok na pinagdaanan niya.

Makalipas ang halos isang taon mula nang sumabog ang balitang naghiwalay na sila ng kanyang asawang si Tom Rodriguez, ngayon lang nagbahagi ang aktres ng ilang detalye hinggil sa present status ng kanyang life.

Sabi ng aktres, napakarami niyang natutunan sa buhay nitong mga nakaraang buwan, at ang pinakamahalaga pa rin daw sa lahat ay ang relasyon sa pamilya at sa mga tunay na kaibigan.

"Ang pinakaimportante? Siguro itong this past year talaga ha, na we will really never know kung ano mangyayari. We may make plans or we see everything na nandito tayo sa mundo, tayo nagpaplano, nag-asikaso, lahat. But sometimes life just hits you na hindi mo talaga alam what will happen tomorrow. Yun bang what you have is just today. No matter how everything is organized or laid out, there are times talaga na unpredictable ang buhay, I guess," saad ni Carla.

"There are times that you have only yourself, parang ganu'n, na parang you have only yourself to help you, parang ganu'n. I'm not saying naman na lahat tayo we're alone or anything, but yun bang there are times when you can only depend on yourself, or yung sarili mo yung kailangang tutulong din sa sarili mo," dagdag pa niya.

Natanong din ang aktres kung naniniwala pa siya sa love matapos ang nga nangyari sa personal niyang buhay.

"Honestly, ang love, ang dami naman definition on love but, yes, of course. Kung walang love, wala tayong buhay. There's family love, the love of my dogs, the love of your friends, correct, barkada. Love, definitely, oo naman. Love is all around, it definitely exists," saad ni Carla.

"Wala pa ako dun sa position to give whatever advice sa mga currently may mga pinagdadaanan din. But like what I always say lang, basta one day at a time, yung ganun lang na wala tayong magagawa, that's part of life. Hindi laging masaya, hindi laging tumatawa, or nakakangiti na whether you are alone in life or with somebody, a complete family. May times kumbaga na ganun talaga, things happen.
Wala tayong magagawa kundi tanggapin yun. And there are certain things or people that we cannot change, siguro on how you react to it na lang. So, parang in a year's time, sa buhay ng mga tao, may mga nangyayari talagang hindi naman talaga nila gusto or hindi nila in-expect, di ba? Ganu'n lang yun, as long you don't give up on yourself," dagdag pa niya.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph