Loisa Andalio, napaiyak

Loisa Andalio, napaiyak
Published on

Aminado ang young actress na si Loisa Andalio na hindi siya kampante pag-usapan ang ilang mga bagay na may kaugnayan sa "kamatayan" at ayon sa dalaga, may pagkakataon na parang gusto na raw niyang mawala sa mundo dahil sa mga pinagdaanang pagsubok sa buhay.

Napaiyak pa nga ang dalaga ng sagutin niya ang tanong kung natatakot ba siyang mamatay at saan sa tingin siya mapupunta — sa langit o sa impiyerno?

"Ako, hindi rin po ako takot mamatay kasi dumaan na rin ako sa point na gusto ko na ring (mamatay). Dumating ako sa point na 'di ko na kaya, na parang okay lang na wala ako kasi ang hirap," sabi ni Loisa.

"Pero nu'ng na-realize ko na baka tinatapik lang ako ni Lord, baka nawawala ka na sa landas mo, dun ako nabuhayan na hindi pala ako dapat manghihina dahil sa ibang tao," dagdag pa niya.

Naniniwala rin siya na hindi pa ipinapanganak ang isang tao ay nakatakda na talaga ang magiging buhay nito at kung hanggang kailan lang siya sa mundo.

"'Yung mga nangyari pala sa akin, alam na ni Lord 'yan bago pa mangyari. Ang importante saan ka bang pupuntang way. Naniniwala po ako na malaki o maliit na kasalanan, sa mata ng Diyos, iisa lang 'yan.

Once na tinanggap mo si Lord sa buhay mo, sigurado sa heaven ka mapupunta," sabi pa ni Loisa.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph