Patuloy pa rin ang pagkaka-link ng aktres na si Alexa Miro kay Ilocos Norte First District Representative Sandro Marcos sa kabila ng pahayag ng aktres na magkaibigan lamang sila.
Kung matatandaan, napansin na ng mga netizens naclose sila dahil kumalat sa social media ang larawan nilang magkasama sa isang Europe trip, na ayon kay Alexa ay kuha nang dumalo sila sa kasal ng isang common friend.
Hindi naman itinanggi ng dalaga na talagang close sila ng anak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
"Ganun pa rin naman, super, super close kami. Nagkakapalagayan ng loob, may tiwala sa isa't isa. The same lang sa halos lahat ng magkakaibigan, halos parang girl best friend na niya ako," sabi ni Alexa.
Nang matanong kung may pag-asa ba si Sandro kung sakaling ligawan siya nito, prangka ang naging sagot ng dalaga.
"Hindi ko masasabi kasi hindi ko naman pinipigilan ang sarili ko kung kanino ako mai-in love. I don't dictate who should I love, who should I give chance to. But right now, wala pa naman," saad ng dalaga.
Si Alexa ay leading lady ni Empoy Marquez sa sitcom na Ano'ng Mayroon Kay Abok?, na magsisimulang umere sa October 1.