Kim Chiu, breadwinner

Kim Chiu, breadwinner

Iginiit ng aktres na si Kim Chiu na personal na desisyon niya talaga na maging breadwinner sa kanilang pamilya dahil mula nang maging artista ang dalaga sa edad na 16 pagkatapos manalong Big Winner sa "Pinoy Big Brother Teen Edition" ay talagang hindi na siya tumigil sa pagtulong sa kanyang pamilya.

"Wala namang nagsabi na, 'Kim, ikaw bumuhay sa amin. Kim, ikaw magpaaral sa amin.' Parang, aanhin ko itong pera?

Mayroon naman akong money, wala naman akong bisyo, para saan ang pera na ibinigay sa akin?" sabi ni Kim sa isang panayam.

"Nabigyan ako at a young age, nabigyan ako ng opportunity ni God. Para saan ito? So 'yun, sine-share ko lang," dagdag pa niya.

Naging emosyonal naman ang dalaga ng magbigay ng message sa kanya ang mga kapatid na sina John Paul, na isang pilot na ngayon at naka-base sa Canada, Twinkle at William.

"Sobrang salamat kasi hindi ka madamot as a person and as a sister, kaya we really appreciate everything that you did for the family, especially to me.

"Thank you for giving me a new life dito sa Canada and thank you for letting me prove to you na gusto ko talagang maging piloto," sabi ni John Paul.

Sabi naman ni Twinkle na personal pang bumisita sa "Magandang Buhay", "Responsible siya kahit siya 'yung bunso naming babae, sobrang maalaga siya sa aming lahat. Hindi niya iniisip 'yung sarili niya. Laging niyang iniisip 'yung buong family na paano kami, kumain na kami and everything."

Para naman kay William, "Masyado siyang matulungin, lalo na po sa family ko. Lagi niya po akong sinusuportahan.

"Nagpapasalamat din ako dahil sobrang bait niya po, sa amin, lalo na sa akin," sabi pa ng kapatid ni Kim.

Related Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph