Gabrielle Basiano, sasabak sa beaucon

Gabrielle Basiano, sasabak sa beaucon

Naghahanda nang sumabak sa 2022 Miss Intercontinental sa darating na October 14, 2022 ang bet ng bansa na si Gabrielle Basiano at ngayon pa lang ay marami na ang nagsasabi at nanghuhula na posibleng magkaroon ng back-to-back win ang Pilipinas dahil kinarir talaga ni Gabrielle ang training para sa nasabing international pageant.

Ang Pinay beauty queen na si Cinderella Obiñeta ang reigning Miss Intercontinental title na siyang magpapasa ng korona sa tatanghaling 2022 Miss Intercontinental.

Kamakailan ay nagtungo na nga ang dalagang mula sa Eastern Samar, sa Sharm El Shiek sa Egypt kung saan magaganap ang grand coronation ng 2022 Miss Intercontinental.

Sa social media post ng pageant camp na RL Angels ibinandera ni Gabrielle ang kanyang bonggang OOTD kung saan makikita ang kanyang "Pag-Ani" look.

Ang nakasulat sa caption ng kanyang litrato ay, "PAG-AN!"

"Bearing the fruit of labor of all Filipinos working hard in the country and across the world, reaping the success with pride as I represent the Philippines in the 50th Miss Intercontinental in Sharm El Sheik, Egypt," sabi ng dalaga.

Sa kanya namang Instagram post, nangako ang dalaga na gagawin niya ang lahat para sa back-to-back win ng bansa sa Miss Intercontinental pageant.

"Muli nating ibabandera ang watawat ng Pilipinas sa Miss Intercontinental. Ang laban na ito ay hindi lang para sa akin, kundi para sa lahat ng samabayanang Pilipino. Mabuhay ang Pilipinas," saad ni Gabrielle.

Bago umalis patungong Egypt, talagang bumabandera na si Gabrielle sa mga top favorites ng mga pageant enthusiasts na mababasa sa mga pageant websites at vlogs.

"Yes I see hot picks na po. And I am very thankful na talagang nakikita nila 'yung efforts ko for that pageant, eto na pressured but good pressure po kaya gagalingan ko po," chika ng dalaga.

Kung magwawagi, si Gabrielle ang magiging ikatlong Pinay na kokoronahang Miss Intercontinental na unang nakuha ni Karen Gallman noong 2018.

Related Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph