Pearl Gonzales balik showbiz

Nagbabalik na sa showbiz ang dating Star Magic artist at beauty queen na si Pearl Gonzales at umaasa siyang mabibigyan siyang muli ng pagkakataon para sa kanyang showbiz career.

Kung matatandaan, natigil sa pag-aartista si Pearl na may screen name noong Mary Eileen Gonzales dahil kinailangan niyang magtungo sa Amerika at naging busy sa pagpapatakbo ng kanilang family business at may sarili na rin siyang line of beauty products.

Naging model at finalist siya noon sa Century Tuna Buddies at nagwagi rin bilang Miss Global Philippines taong 2018 kaya naman talagang may marka na siya sa showbiz kahit paano.

Si Pearl din ang kauna-unahang single mom na nanalo ng titulo sa nasabing international beauty pageant.

May anak siya sa aktor na si Johan Santos na itinanghal na 4th Placer sa 2009 edition ng “Pinoy Big Brother.” Kaya naman bilang single mom talagang ginagawa niya ang lahat para sa kanyang anak.

At makalipas ang ilang taon, nagbabalik nga si Pearl para muling makipagsapalaran sa local entertainment industry na matagal na raw niyang gustong balikan.

Nabanggit ni Pearl na may mga offer na sa kanya ang Vivamax para sa ilang sexy movies pero parang hindi pa raw niya kayang makipagsabayan sa mga palabang sexy stars ng streaming app ng Viva Entertainment.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial