Nadine Lustre, nagalit sa viral video

Nadine Lustre, nagalit sa viral video

Hindi na napigilan ng aktres na si Nadine Lustre na mailabas ang kanyang galit nang mapanood niya ang video ng isang lolang nasagasaan at basta na lang iniwan ng isang motorista sa Parañaque City.

Ayon sa dalaga, talagang naawa siya sa sinapit ng matandang babae at hindi raw niya mapigilan ang mapaiyak habang pinanonood ang video na viral na ngayon at makikita roon ang pagsagasa sa street sweeper na si Doreen Bacus na residente ng Masville, Barangay Sucat.

Base sa CCTV, makikita si Lola Doreen na nakatalikod sa gilid ng kanto at nagwawalis at ilang sandali lang ay biglang may dumating na rumaragasang sasakyan at nabundol nga si lola at nagulungan pa.

Ang masakit lang, hindi man lang huminto ang sasakyan at basta na lang inabandona ang biktima sa kalsada.

Balitang kritikal ang kundisyon ni Lola Doreen na agad na isinugod sa Philippine General Hospital (PGH) nang matagpuan ng mga residente sa pinangyarihan ng insidente.

Sa Facebook post ng isang barangay official, naaresto ng ilang residente roon ang driver ng sasakyan na tinangka pa umanong tumakas.

"The driver was apprehended by responding police, tanods and security guards and is currently detained at the Parañaque Traffic Management Bureau for investigation. We hope the driver is punished by the full extent of the law as this will set an example to others not to take the roads for granted," ang nakasulat sa nasabing FB post.

Nabahala at naalarma si Nadine sa sinapit ng lola. Ni-repost niya ang mga tweet ng fashion designer na si Rajo Laurel, na screengrab naman mula sa IG story ni Karen.

"Our justice system is so flawed we don't even know if this issue will be handled accordingly. Naiiyak talaga ako para kay lola at sa pamilya niya," ang caption ng aktres sa kanyang Twitter post kalakip ang viral video.

"Di ko ma-explain yung galit ko…Not buying the whole 'unaware' bs. Mararamdaman mo naman siguro kung may nabangga ka," dagdag pa niya.

Related Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph