Jelai Andres, liligawan daw?

Jelai Andres, liligawan daw?

Isa ang social media influencer na si Jelai Andres sa mga naggagandahang mukha sa social media at talaga namang kinagigiliwan siya ng marami lalo na pagdating sa mga content nito sa kanyang mga vlogs.

Patok rin ang tambalan nila ng komedyanteng si Buboy Villar at sinasabi nga ng ilang mga nakakapansin na bagay sila at puwede naman silang magkaroon ng "happy ending."

Pero ayon kay Buboy, wala siyang balak ligawan si Jelai kahit pa crush na crush niya ang aktres at content creator dahil hindi niya umano priority ang kanyang lovelife o pakikipagrelasyon ngayon dahil mas gusto muna niyang mag-focus sa kanyang sarili at showbiz career.

Sabi ng "Runningman Philippines" celebrity contestant at vlogger, ayaw muna niyang pumasok sa seryosong relasyon dahil ang priority niya ay ang pagtatrabaho para sa kanyang kinabukasan.

"Mas pina-priority ko 'yung sarili ko ngayon, parang self-love," sabi ni Buboy. "Punuin mo 'yung sarili mo ng pagmamahal. Nag-uumapaw na pagmamahal para sa sarili mo. Para yung nag-uumapaw, yun na yung para sa family mo, sa mga anak mo, friends."

Bentang-benta sa mga fans ang tandem nina Buboy at Jelai na nagsimula sa Kapuso romantic comedy series na "Owe My Love" na umere noong 2021 at pinagbidahan nina Lovi Poe at Benjamin Alves.

At mula nga noon, nagsunud-sunod na ang collab nila sa kanilang YouTube vlogs na talaga namang kinaaaliwan ng mga netizens. Sa katunayan, marami ang nagkokomento sa sana'y sila na raw ang magkatuluyan sa ending.

Sa isang vlog, niregaluhan pa ni Jelai si Buboy ng isang expensive gift para sa 24th birthday ng aktor na super shocked nang makita niya kung ano ito.

Related Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph