Bea Alonzo, sobrang thankful

Bea Alonzo, sobrang thankful

Malaki ang pasasalamat ng aktres na si Bea Alonzo sa leading man niya sa "Start-Up PH" na si Alden Richards matapos marinig ang mga papuri nito sa kanya dahil talaga namang pinuri siya Asia's Multimedia Star.

"I'm really very thankful and yes, very, very flattered with what Alden said. And I can say that I feel the same way about him, na siya yung parang naging welcoming committee ko sa GMA. We've worked together before in a commercial, so siyang nag-introduce sa akin sa mga kasama namin sa GMA. Close siya sa lahat ng mga tao, yung mga staff, pati sa mga artista," saad ni Bea.

"He's very playful on the set na parang siya yung nagse-set ng tone sa shoot. Happy siya lagi. E, ako, kadalasan kasi may pagka-serious type ako pagdating sa trabaho. But natutuhan ko sa kanya na you don't have to take so many things too seriously. Minsan, puwede ka rin mag-enjoy while working," dagdag pa niya.

Inamin rin ng dalaga na parang nagsisimula siya uli nang magsimula ang taping nila sa "Start-Up PH" na siyang kauna-unahang teleserye niya sa GMA 7.

"It's quite challenging kasi bagong work environment, bagong mga kasama, but I am simply enjoying and whatever it is life brings to me. At my age, I'm no longer like in my teenage years na ang dami mong gustong patunayan, takot ka pa sa anumang sasabihin ng tao sa'yo. Now, I care less about those things and I care more about what's going to make me happy," sabi ni Bea.

"I'm happy na 'Start Up PH' ang first show ko with GMA kasi ang ganda talaga ng story. It's about family relationships, about pursuing your dreams and aspirations in life no matter what the odds, and it's also about love. And I have to commend my co-stars kasi magagaling silang lahat at nakaka-inspire silang kasama sa trabaho, and also our directors for orchestrating everything for us to come up with a really good show that we can all be proud of," dagdag niya.

Related Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph