Ryza Cenon, super happy

23 hours ago

Super happy ngayon ang aktres na si Ryza Cenon dahil naresolba na sa wakas ang rant niya nitong nakaraan kaugnay sa nakuha niyang water bill na umabot umano sa tumataginting na P120K kahit na madalas ang service interruption sa lugar nila.

“Ano kami may carwash? 10pm-4am nawawala na ng water samin. Tapos ang hina hina ng tubig namin from 5am-9pm. So paki explain Maynilad Water Services, Inc. from 1,101.02 last month ngayon 120k?!!!?????” pag-rant ni Ryza sa isang naunang post.

Sumagot naman ang Maynilad kay Ryza at sinabing makikipag-coordinate sa kanya ang kanilang Zone personnel.

At eto na nga, sinabi ni Ryza ang magandang balita sa kanyang Instagram account patungkol sa kanilang bill.

“Yey!!! Naayos na!!” sabi ni Ryza. “Ok ito na ang update. Nag punta ang Maynilad para icheck yung water line namin tapos pinalitan nila ang meter namin.”

Dadgag pa niya, pinayuhan daw sila na baka may leak ang kanilang tubo ng tubig kaya naman agad nila itonf ipina-check at doon nga ay nakita nilang meron ngunit maliit lamang ito.

“Pero syempre nag question ako, bakit 120k umabot? Impossible po na aabot ng ganun kalaki sa isang buwan kahit may leak,” sabi ni Ryza.

Kaya naman daw may ginawang test sa lumang meter nila ang mga representative ng kumpanya ng tubig na nagpunta sa kanila at doon nga ay may natuklasan silang isa pang rason kung bakit umabot nang malaki ang kanilang bill.

“After po nun tumawag ang Zone Head nila sa amin to explain that since after testing the meter, nakita na worn out na din naman siya,” sabi niya.

Makikita sa uploaded photo niya na P2,116.21 na lamang ang kanilang babayaran mula sa naunang P120,000.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial