Bea Binene, balik Viva

3 days ago

Muling nagbabalik sa limelight ang aktres na si Bea Binene at ngayon ay under na uli siya ng Viva Artists Agency, Inc. (VAA) at inaasahang magkakaroon umano ng mga bagong projects ang dalaga.

Kung matatandaan, nag-focus muna sa pag-aaral ang dalaga pero isinabay niya rin ang pagiging isang social media influencer at naging busy rin siya sa isang short online culinary course noong nagsimula ang pandemya.

Nagsimula ang karera ni Bea noong 2004 matapos siyang maging finalist sa Starstruck Kids at nag-debut siya sa pelikulang Kilig…Pintig…Yanig…

Pero mas nakilala ang dalaga sa mga GMA-7 afternoon TV series na Hanggang Makitang Kang Muli (2016) at ang drama fantasy series Mulawin vs Ravena (2017).


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial