Ruffa Gutierrez, sumagot sa intriga

September 23, 2022

Hindi na pinalampas ng aktres na si Ruffa Gutierrez ang mga buling-bulungan patungkol sa diumano’y paglipat niya sa bagong TV network na pagmamay-ari ng pamilya Villar na ALLTV.

Nitong nakaraan kasi, spotted ang aktres sa soft launch ang ALLTV noong Setyembre 13, 2022 at makikitang kasama niya ang mga napabalitang pumirma ng kontrata sa AMBS na sina Willie Revillame, Toni Gonzaga, Mariel Padilla, Ciara Sotto, at Anthony Taberna.

Kaya naman umugong ang balitang baka mag-ober da bakod ng aktres sa bagong TV network sa kabila ng pagiging active niya sa mga shows ng ABS-CBN.

Isa siya sa mga regular judges ng mga nagiging segment ng noontime show na “It’s Showtime” at isa rin siya sa mga hurado sa “Miss Q & A”.

Pero buhat nga nang lumabas siya sa ALLTV at nang hindi na siya masyadong napapanood sa “It’s Showtime”, marami ang napaisip kung tuluyan na nga bang lumipat si Ruffa sa bagong network.

Base sa kanyang mga Instagram posts, kasalukuyang nasa Italy ang aktres at nagbabakasyon kasama ang anak na si Venice.

Kapansin-pansin naman ang mga naging comment ng mga netizens sa kanyang IG posts kung saan nasabihan siyang lilipat sa ALLTV.

“Hindi ko iniwan ang @itsshowtimena [heart emoji] I’m on vacation po. I am a freelancer. No exclusive contract with any network. I am allowed to work with everyone,” sabi ni Ruffa.

Sa kanyang Instagram post din ay nagpahayag siya sa mga tao na patuloy na nagtitiwala at nagbibigay ng trabaho sa kanya.

“”Words cannot express how grateful I am at this stage in my career to be able to work with ALL networks, producers,
content creators and broadcasters,” sabi ni Ruffa. “Thank you for being a part of my continuous journey and for giving me the opportunity to be able to take care of my daughters.”


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial