Pinas dapat maghanda sa posibilidad na ‘banggaan’ ng superpowers
Hindi dapat magpakaang-kaang ang Pilipinas sa paghahanda dahil baka mahuli tayo sa galawan kung sakaling magkaroon ng banggaan ang superpowers.
Hindi puwedeng balewalain ang posibilidad na ito dahil tingnan po natin ang nangyayari sa Ukraine na hanggang ngayon ay mainit pa rin ang labanan dahil sa pananakop ng Rusya sa kanilang teritoryo dahil sa hindi pagkakaintindihan.
Andun na tayo sa sinasabi ni Presidente Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. na, "we are friends to all, enemy to none."
Kahit ganito ang namutawi sa bibig ng ating "majority President", sa unang pagkakataon, hindi pa rin tayo dapat na magwalang bahala dahil andiyan lamang sa tabi natin ang tension, di ba, ang Taiwan na halos hindi na ata mapagkatulog dahil panay ang palipad ng eroplanong pandigma ng China.
Ngunit malinaw naman na sinasabi ng China na hindi sila gagamit ng dahas na isang assurance mandin pero tayong sa Pinas dapat laging ready.
Ganito ang pasubali sa isang artikulong ating nabasa na akda ni Dr. Henry Chan, isang internationally recognized development economist na nakabase sa Singapore at senior visiting research fellow sa Cambodia Institute for Cooperation and Peace at adjunct research fellow sa Integrated Development Studies Institute (IDSI).
Ang katulad daw nating developing nation, kailangan na nakahanda at equip ang sarili para makapag-navigate sa impending storms when superpowers collide in unprecedented dimensions, dahil inaalis na ng Amerika ang traditional norms of competition.
Teka, sa isang briefing pala, klinaro ng administrasyong US na it is bringing more US-based biotechnology manufacturing home in response to other countries, particularly China, which is speeding up investment in the sector of Bioscience.
Ang intelligence community ng US ay gumagamit ng artificial intelligence, quantum computing, bioscience, semiconductors and autonomous systems.
Ang China is identified as the peer competitor of the Americans in these five spaces. Ang CHIPS Act of 2022 ng US, ay pasok sa semiconductor manufacturing grants, research investments, and an investment tax credit for chip manufacturing na nagbigay ng sanctions sa mga kompanya ng China na umano, reflected the American desire to slow down or stop the Chinese progress in these cutting-edge technology domains in the 4th Industrial Revolution.
Bioscience ang labanan ngayon ng dalawang superpowers na gustong magpaligsahan sa pagtuklas ng mga medisina para gamutin ang cancer at iba pa.
Naalala niyo po ang Apollo landing in 1969? Dito nalagay ang American science at the pinnacle of the world.
Sa ika-60 anibersaryo ng Kennedy Moonshot, nag-anunsiyo si President Joe Biden ng kanyang sariling bersiyon ng Moonshot para tapusin ang cancer at nagtalaga isang espesyalista para ipatupad ang biomedical innovations at ipatupad implement biotechnology policies.
Meron namang pantapat ang China na Contract Research Organization (CRO), isang dibisyon ng pharmaceutical industry na sumusoprta sa pharmaceutical, biotechnology and medical device industries sa pamamagitan ng research.
Nagsimula ito noong late 1970's at ang industriya ay sumulpot naman sa China mid-2020s sa pamamgitan ng multinational drug companies at mga bumalik na overseas scientists.
Batay sa Center for Security and Emerging Technology of Georgetown University 2021 report, tinatayang nakapagproduce ang China ng 1,520 health science PhDs in 2000 kumpara sa 894 ng US.
Dito naglalabanan ang dalawa sa paggawa ng mga medisina kaya't dapat hindi tayo magpahuli dahil sabi nga ni Presidente Marcos sa U.N. tila iniiwanan ng malalaking bansa ang maliliit.