Kat Alano, nababash ngayon

Matapos ang kanyang mga cryptic post sa social media, nababash na ngayon ang TV host-VJ at dating aktres na si Kat Alano nang magpahayag siya ng saloobin ukol sa pagkakaroon ng hustisya matapos ang nangyaring panghahalay sa kanya 17 years ago.

“I can finally feel peace today. God is good all the time. Justice, finally after 17 years,” saad ni Kat sa kanyang tweet nitong nakaraan.

Kapansin-pansin naman na kasabay ng kanyang tweet ay ang paglabas ng arrest warrant laban sa “It’s Showtime” host na si Vhong Navarro para sa acts of lasciviousness na isinampa ng modelong si Deniece Cornejo.

At nitong nakaraan lang, muling nag-tweet si Kat patungkol naman sa mga natatanggap niyang negatibong komento buhat nang muli siyang magsalita sa nangyaring panggagahasa sa kanya 17 years ago.

“Wow, some of these people bashing me… Guys sobrang backwards pa rin ang mentality ng marami,” saad ni Kat.

Sa kabila nito ay nagpasalamat naman si Kat sa mga sumusuporta sa kanya.

“But big thanks to those supporting and explaining rape culture to those who are still unaware. I see you, I know some of you are victims too. Thank you,” sabi niya.

“Ang daming galit. Binayaran daw ako, laos na daw ako, sawsawera. Eight years na ako nagsasalita. Puro bashing lang ang natanggap ko. Sa tingin niyo worth it magsalita para inaabuso ako ng mga fans niya? Sa tingin niyo lalaban talaga ang ibang victims pag nakita nila ugali niyo!”


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial