Karambola sa SoCot

1 day ago

Ilang katao ang pinangangambahang patay habang ilan ang kumpirmadong sugatan sa karambola ng mga sasakyan sa isang highway sa Tupi, South Cotabato, Biyernes ng gabi.

Ayon sa South Cotabato-Disaster Risk Reduction Management Office,  unang iniulat sa kanila ng mga EMS responder na dalawa ang kumpirmadong patay habang hindi bababa sa isang dosenang iba pa ang isinugod sa ospital sa Koronadal City 7:30 ng gabi.

Naipit sa aksidente ang isang bus, truck, tatlong pick-up, tatlong SUV, limang motorsiklo at isang tricycle.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial