Julia Barretto, secured

September 23, 2022

Aminado ang aktres na si Julia Barretto na secured siya ngayon sa kanyang relasyon sa boyfriend niyang si Gerald Anderson sa kabila nang mga kinasasangkutan niyang mga kontrobersya.

Napabalita pa naghiwalay sila ni Gerald, kaya naman binasag na niya ang kanyang katahimikan at iginiit na going strong pa rin sila.

“Sa news, every month, that’s the situation. But no, we haven’t broken up. I think that’s a sign na, you know, we are really able to protect our relationship and keep it private,” sabi ni Julia.

At sa kabila ng mga usap-usapan sa social media, hindi na ito iniintindi ni Julia dahil talagang nararamdaman niya na mas nagiging seryoso ang estado ng kanilang relasyon at talagang may tiwala ang dalaga kay Gerald.

“I don’t think I’ll get into a relationship with somebody na I don’t trust. So, I do trust him and he shows me that every single day, there’s just no reason for me to doubt,” sabi ni Julia.

“Serious. I would say, I do feel safe in this relationship,” dagdag pa niya.

Inamin rin ng dalaga na “very secured” siya sa relasyon nila ng Kapamilya actor na si Gerald at naniniwala siyang mangyayari ito sa tamang panahon.

“I don’t think that’s up to me. But I think it will come at the right time. But I do feel very secured in the relationship we have and we are really happy. I don’t have anything to worry about,” sabi ni Julia.

Aminado rin ang dalaga na kakaiba ang kanyang kasalukuyang relasyon kay Gerald sa mga nagdaan niyang mga ex-boyfriends dahil mas iba ang level ng security na kanyang nararamdaman.

“The sense of security that I have, the sense of calm that I have, his kindness has really grounded me and has really motivated me to become a better person. He’s created such a safe and healthy environment in my life. So, I feel good,” saad ng dalaga.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial