Janelle Tee, doble-kara

September 23, 2022

Sa pinakabagong offering ng Vivamax na “An/Na” na magsisimula na sa September 25, parang dalawang karakter pala ang ginagampanan ng bida nitong sexy actress na si Janelle Tee.
Ang “An/Na” ay isang four-part original series na dinirek ng batikang direktor na si Jose Javier Reyes.
Sa kuwento kasi, gagampanan ni Janelle ang karakter ni Anna, na nagtatrabaho sa sales industry at dahil sa hirap ng buhay, kinailangan niyang maghanap ng iba pang pagkakakitaan.
Ang siste, easy money ang hanap niya, kaya napilitan siyang magtrabaho bilang isang sex worker na nagtatago sa pangalang Mei Ling.
Maganda ang naturang kuwento at ayon sa dalaga ay talagang naging challenging ito para sa kanya.
Kung matatandaan, nanahimik muna social media si Janelle dahil may matinding pinagdaraanan ngayon ang dalaga na isa raw sa mga dahilan kung bakit kailangan niyang “magpaalam” sa kanyang fans at socmed followers.
“My heart is full. I am beyond grateful. Your overflowing love and support for my upcoming films is just WOW. I’m speechless. Maraming-maraming salamat,” ang pahayag ni Janelle.
“I’ve always been hustling so much but I never thought it would eventually hit hard and take a toll on me. I’ve been grappling quite a lot with my mental health lately. That I felt, I really need this break. Alone. To figure everything out. I’ve thought long enough…I really don’t know when I’ll be back but I’ll take a pause for now,” dagdag pa niya.
Abangan ang “An/Na” sa Vivamax.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial