SUBSCRIBE NOW

Zephanie Dimaranan

Zephanie Dimaranan
Published on

Mukhang nababash ngayon ang "Idol Philippines" season 1 grand winner na si Zephanie Dimaranan dahil sa desisyon nito na lumipat ng network nitong nakaraan.

Ito ay kasunod ng isang pahayag ni Vice Ganda nang hingan siya ng reaksyon bago manalo si Khimo Gumatay sa "Idol Philippines" season 2 nitong Linggo.

"Sa bagong hihiranging grand Idol winner, sana maraming magbukas na opportunities sa 'yo. Sana mag-stay ka muna dito sa network na 'to."

Ayon sa ilang mga netizens, ang pinatutungkulan ni Vice ay si Zephanie Dimaranan na nasa GMA 7 na ngayon.

Taong 2019 nang manalo ang dalagang taga Biñan, Laguna pero bago naman siya nagkaroon ng titulo ay sumali muna siya sa "The Voice Kids Season 2" noong 2016 at "Tawag ng Tanghalan" season 2 taong 2018 na parehong hindi pinalad manalo.

Kaya naman pinagbuti talaga niya ang bawat performance sa "Idol Philippines" hanggang sa manalo. Kasunod nito, kaagad siyang ni-launch bilang regular performer sa "ASAP Natin 'To" at napasama sa female group na JEZ na binubuo nina Janine Berdin at Elha NYmpha.

Naging abala si Zephanie sa kaliwa't kanang shows sa ABS-CBN at na-feature pa ang buhay niya sa "Maalaala Mo Kaya" noong Setyembre, 2019 na pinagbidahan ni Maris Racal.

Nagkaroon ng first major solo show si Zephanie na ginanap sa New Frontier Theater noong Nobyembre, 2019 kung saan naging guest sina Sarah Geronimo, Elha Nympha, "Idol Philippines" finalists (Lance, Lucas, Dan Miguel), Erik Santos at Regine Velasquez.

Hanggang sa nagkaroon na ng COVID-19 pandemic kung saan maraming nawalan ng trabaho dahil sa total lockdown pero pagkalipas ng ilang buwan ay unti-unting pinayagan na ng Duterte administration na makabalik ang entertainment base na rin sa proposal ng IATF.

Buwan ng Agosto ay suspendido ulit ang mga aktibidad sa entertainment dahil muling naghigpit ang IATF at inilagay sa Modified Enhance Community Quarantine ang Metro Manila at nakabalik ng Oktubre.

At dahil walang show si Zephanie ay isinama siya sa "Sunday Noontime Live" sa TV5 na produced ng Brightlight Productions at Cornerstone Entertainment Studios.

Ayon sa dalaga, malaki talaga ang pangangailangan niya noon dahil bukod sa pinag-aaral niya ang kanyang sarili ay malaking parte ng kinikita niya ang itinutulong niya sa pamilya niya.

Kaya naman isinalang siya sa "All Out Sundays" bilang regular host at singer. Bukod dito ay sa kanya na rin ipinagkatiwala ang pagkanta sa mga series ng Kapuso network tulad ng "Apoy sa Langit" at "Bolera."

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph