Yasmien Kurdi, may natupad na pangarap

Natutuwa ngayon ang aktres sa si Yasmien Kurdi dahil makakasama na umano niya sa isang proyekto si dating Kapamilya star Bea Alonzo at bilang kapatid pa niya sa bagong GMA Telebabad series na Start-Up PH.

Ayon sa aktres, matagal na raw siyang nakatatanggap ng suggestions or request na pagsamahin nga sila ni Bea sa isang project at kung p’wede ay magkapatid sana.

“Kasi, lagi na lang nilang sinasabi na magkamukha raw kami ni Bea,” sabi ni Yasmien. “Even before pa na nasa ABS siya. Marami pa nga akong stories.”

Naikuwento na rin daw niya kay Bea ang mga ito, kabilang na ang minsang pagkaligaw niya sa set ng TV project ni Bea.

“Pumunta ako one time—there was a shooting in Baseco. Meron silang set doon na I don’t know… parang soap yata nila ni John Lloyd Cruz. Nagsu-shoot naman kami do’n ng Bakekang. Akala ko, GMA lang ang nagte-taping na show. So, pumasok na’ko sa loob ng tent. Nag-set-up na ko, lahat-lahat. Nilagay ko na higaan ko, natulog na ko. Tapos, biglang nilapitan ako ng P.A., ‘Ah, Miss Yas, ’di po kayo rito…Set po ‘to nila Bea Alonzo,’” saad niya.

Maging si Donita Rose ay napagkamalan din daw siya minsan na si Bea siya.

“‘Uy, I watched your movie.’ Sabi ko, ‘What movie? Wala naman akong movie.’ Akala niya si Bea! ’Yung time na ‘yon hanggang ngayon, talagang akala niya… sabi niya, ‘Sorry talaga. Akala ko, ikaw si Bea dahil nga sa resemblance n’yo,’” kuwento pa niya.

In hindsight, naiisip ngayon ni Yasmien na serendipitous ang lahat dahil who would have thought na possible ngang magsama sila sa isang proyekto. Pero heto’t nangyari na sa Start-Up PH at magkapatid nga ang roles nila.

Ginagampanan ni Yasmien sa Pinoy adaptation ng Korean drama na Start-Up ang role ni si Dani Sison, ang nakatatandang kapatid ni Ina Diaz na ginagampanan naman ni Bea.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial