Teacher hulicam sa paninipa ng estudyante

September 22, 2022

Huli sa camera ang paninipa ng isang high school teacher sa isa niyang estudyante sa Cagayan de Oro City, sa ulat nitong Martes.

Sa pag-aakala umano ng teacher na binu-bully siya ng estudyante ay nagalit ito at nagawang masipa ang menor de edad pang estudyante.

Base sa video may grupo ng mga estudyante na nakatayo sa hallway ng Bayabas National High School at ilang sandali lamang at makikita ang babaeng guro na lumapit sa isang estudyanteng lalaki.

Nakita rin nang walang ano-anong tinalakan ng guro ang biktima saka biglang sinipa.

Ayon naman kay Manuel Lincaro Jr., school head ng Bayabas National High Schoolsa na nakausap na umano nila ang guro at mga magulang ng bata.

Hindi naman din sumailalim sa suspensyon ang teacher maging sa reklamo ng estudyante ay hindi na rin itinuloy.

Nagpaalala naman ang Department of Education-Cagayan de Oro sa mga guro na bawal ang manakit ng estudyante at gayundin ay habaan pa ang kanilang pasensiya sa mga ito lalo na at mga menor de edad pa ang ito.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial