Presyo ng bigas, baka tumaas pa

(Photo by Analy Labor)

6 days ago

Ilang grupo sa bansa ang nangangamba ngayon na baka madagdagan pa umano nang hanggang P4 per kilo ang presyo ng bigas at ayon sa Federation of Free Farmers Cooperative, ang posibleng pagtaas ng presyo ng bigas ay sanhi ng pagtaas pa rin ng halaga ng mga produktong petrolyo.

Ayon sa grupo, bukod pa ito sa nagmamahal na gastusin sa pagtatanim dahil sa tumataas na rin umano ang presyo ng abono o pataba sa lupa.

Noong nakaraang linggo, tumaas sa P15,000 ang halaga ng fertilizer mula sa dating P12,000 at dahil umano rito, nadagdagan ng P3 per kilo ang rice production cost. Kaya ang profit margin ng magsasaka ay nasa P4 per kilo na lang.

Ilang nagtitinda ng bigas ang nagtaas na umano ng kanilang presyo noong nakaraang buwan. Pero dahil sa reklamo ng mga namimili, hindi nila maisagad ang dagdag presyo na kailangan nilang ipataw.

Sa halip, umaasa na lang ang mga nagtitinda ng bigas na marami ang mamimili ng produkto.

Sa ngayon, ang lokal na bigas ay nagkakahalaga sa mga pamilihan ng mula P38 hanggang P40 per kilo.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial