Moira dela Torre, moving on na

Maraming netizens ang nakapansin sa bagong aura ng singer-songwriter na si Moira dela Torre sa nagdaang grand finals ng “Idol Philippines” season 2 dahil pumayat at mas lalong naging sexy ang mang-aawit.

Kaya naman usap-usapan na naman siya lalo na nang inilabas ang TikTok video ni Moira kung saan kinakanta nito sa isa sa kanyang mga kasalukuyang hit song na “Babalik Sa ‘yo”.

Nagpasalamat ang isa sa mga judges ng “Idol Philippines” sa lahat ng mga taong patuloy na nagbibigay ng suporta sa kanya maging sa kanyang mga awitin.

“Thank u for all the love uv given babalik sayo and for making it no. 2 on the charts!! ly guys,” saad ni Moira.

Isang netizen naman ang naglakas loob na magtanong sa singer kung may posibilidad nga bang magkaroon ng comeback ang relasyon nila ng asawang si Jason Hernandez dahil sa kanyang masayang pagkanta sa trending “2 Good 2 Be True” theme song.

“Is this a sign of their love reconciliation?” tanong ng netizen.

Maikiling sagot naman ni Moira, “Nope. Kanta lang ‘to. ‘Wag marupok.”

Samantala, nag-release rin ng bagong kanta si Jason Hernandez na “Ako Nalang” na nag-trending rin dahil tila hugot ito ng mang-aawit sa nangyari sa kanilang dalawa ng dating asawa.

Matatandaang nitong Mayo 2022 nang kumpirmahin mismo ni Jason na hiwalay na sila ni Moira.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial